Pondo ibuhos

PALAKI nang palaki ang pangangailangan ng mamamayan.

Batay ito sa paglabas ng mga ulat na bilyon-bilyong piso ang kinakailangan para ibangon ang mahigit dalawang milyong mamamayan na nasalanta ng bagyong

Pedring at Quiel.

Sa normal na kalagayan, sapat lang ang inilalaan na pondo ng pamahalaan para

sa serbisyo publiko sa isang takdang panahon.

Subalit sa pagkasalanta ng mamamayan ng mga bagyo at baha, nangangailangan ito ng karagdagang pondo.

May mga nagsasabing baka hindi kayang paglaanan ng sapat na pondo ang para sa pagbangon ng mga biktima ng mga kalamidad.

Ramdam na ramdam ito lalo na sa bahagi ng mga lokal na pamahalaan na talaga namang nauubusan kahit ng mga calamity fund nila sa dami ng mga dumaraang kalamidad sa kanilang lugar.

Sa harap ng kalagayang ito, dapat na kumilos ang pambansang pamahalaan para punan ang lahat ng pagkukulang sa serbisyo publiko na pinalala ng mga kalamidad.

Sinasabing may nagsusulong para magkaroon ng deklarasyon para sa pambansang kalamidad.

Dapat na suportahan ito upang magkaroon ang buong pamahalaan ng pagkakataon na mag-uugnay-ugnay at magtutulong-tulong para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Sa deklarasyon ng pambansang kalamidad, dapat na bigyang-pansin ang direktang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga nasalanta ng mga kalamidad.

Kung hindi gagawin ito, baka kung saan-saang kamay mapupunta ang pondong pangkalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply