Pondo para sa bagong armas ng AFP ilalabas na

MAGPAPALABAS na ang pamahalaan ng pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang ipambili ng mga bagong kagamitan.

Ang pagpapalabas ng pondo ay matapos ipag-utos kahapon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng P10 bilyon para sa AFP mo­dernization.

Ang pondo ay gagamitin upang ibili ng mga armored personnel carriers, radios, 5-ton dump trucks at special purpose vehicles ng Philippine Army.

Ipambibili rin ito ng sealift vessel, amphibious vessels ng Philippine Navy habang  isang special mission aircraft, light aircrafts at search and rescue vehicles naman sa Philippine Air Force.

Dahil dito, magkakaroon na rin ng  makabagong sandata at communications equipment ang AFP kabilang ang mga handheld radios, base radios, radio receivers, sniper rifle system at iba pang mga sandata.

Ilalaan ang ibang bahagi ng budget para sa Civil Military Operations at Disaster Response Activities ng AFP. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply