Pope Benedict XVI pinuri si Fr. Tentorio

TINAWAG ni Pope Benedict XVI na matapang at walang kapagurang pari si Fr. Pausto Tentorio dahil sa kanyang pagsisilbi ng tatlong dekada sa mga Filipino.

Bukod dito, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Santo Papa sa pagkamatay ng Italyanong pari.

Matatandaan na si pinaslang si Fr. Tentorio sa compound ng simbahan sa Arakan, Cotabato nitong Lunes ng umaga (Oktubre 17).

Kaugnay nito, itutuloy ng mga obispo ng Simbahang Katolika ang naumpisahang laban ni Fr.Tentorio hinggil sa illegal mining sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, mas paiigtingin pa nila ang kanilang misyon sa pangangalaga ng kalikasan tulad ng adbokasiya ni Tentorio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply