Post office inaayawan

SA ATING pagtatanong-tanong, mas marami ang ayaw nang gumamit kaysa hindi sa post office sa kanilang linya ng komunikasyon at pagpapadala ng kung ano-ano.

Bakit?

Hindi kasi mapagkakatiwalaan ang post office sa bilis ng pagpaparating ng mga sulat.

Ilang linggo o ilang buwan ang aabutin ng iyong sulat bago makarating sa iyo, lalo na sa mga lalawigan.

Kung magpapadala ka naman ng tseke o iba pang padala, mag-isip-isip ka muna ng 1,000 beses bago mo gawin yan.

Dahil hindi ka makatitiyak na makararating sa inyong pinadalhan ang mga yan.

Kung may matatanggap man sila, baka sobre na lang o kaya ay kahong kulang-kulang na ang laman.

oOo

Ang mga sulat at padala na nanggagaling sa ibang bansa, Suki, ang karaniwang iniiyakan ng mga nagpapadala at pinadadalhan.

Kapag may nawala, walang nakaaalam kung saan nawala ang mga ito – kung sa eroplano na nagsakay galing sa ibang bansa o sa imbakan ng mga padala sa NAIA o sa mga post office o sa mga bumibiyaheng van ng post office o sa bag ng kartero.

Pero may tiyak na pruweba na taong post office mismo ang mga gumagawa ng mga milagro sa mga sulat at padala.

‘Di ba may na-CCTV na tauhan ng post office na nagbubukas ng mga sulat na padala ni Juan?”

Meron na ring nahuhuli na tao sa mga post office na mga utak at miyembro ng mga bukas-sobre at bukaskahon gang.

‘Yung mga tseke na nawawala, kung minsan ay natatagpuan sa ibang bansa pa ipinagpapalit, gaya sa Hong Kong.

oOo

Ngayon ay rerepormahin umano ni Madam Josie dela Cruz ang post office.

Para sa marami, tu si is tu bilib.

Pansamantala, sa iba muna nagtitiwala ang marami.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply