Post office istayl bulok

ALAM ba ninyo, Suki, ang isa sa mga ahensiya ng gobyerno na dapat na repormahin o retokehin nang husto?

Walang iba kundi ang post office.

Grabe ang nagaganap sa ahensiyang ito.

Bukod sa lungga ito ng mga bukas-kahon o bukas-sobre gang, puno pa ito ng katiwalian at kainutilan.

oOo

Alam ba ninyo na talamak ang position for sale sa ahensiyang ito?

Por eksampol sa pagiging postmaster.

Aba, isinusubasta ito!

Kung  sino  ang  makapaghatag ng malaking halaga, yun ang mapupuwesto bilang postmaster.

Habang mas malaki ang lugar gaya ng malaking bayan o siyudad kaya, mas malaki ang tongpats diyan.

oOo

Sa mga post office naman na may postmen o kartero na nagkakae-dad na, sumisingit na ang maraming bisyo, Suki.

Andiyan ang mga lasenggero na kartero.

Sa dami ng mga kumpare at kumare nila sa mga barangay, pagdating ng hapon, hindi na nag-dedeliber ng sulat ang mga ito kundi nakikipag-inuman hanggang sa malasing.

Napipilitan tuloy ang mismong mga mababait na postmaster na mag-deliber ng mga sulat o pakeyds kay Juan.

Nangangahulugan ito na sa halip na magagawa ang trabahong kartero sa isang araw, dalawang araw ang uubusin dito.

oOo

Sa katitipid naman ng Post Office sa pondo nito, maraming bayan at siyudad ang kulang na kulang sa kartero.

Akalain mong may mga pers klas na munisipyo na tatlo o apat lang na kartero.

Eh karaniwang may 24-26 na barangay ang mga munisipyo.

Sa laki at dami ng mga barangay na dinideliberan  ng mga kartero, buwan ang bibilangin bago dumating ang mga sulat o pakeyds.

Ganito kasama ang ka-lagayan at serbisyo ng Post Office na ito.

Madam Josie de la Cruz, aksyon naman po.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply