Power-Off campaign vs power rates hike sinimulan

SINIMULAN ng Freedom from Debt Coalition (FDC) ngayong Martes ang malawakang protesta sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw at noise barrage laban sa implementasyon ng panibagong pagtataas sa singil sa kuryente sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa media advisory na ibinahagi sa Senate media, hiniling ng FDC ang suspensiyon ng lahat nakabinbin na pagdinig sa petisyon na naglalayong itaas muli ang halaga ng kuryente sa Energy Regulatory Commission kabilang ang petisyon sa Stranded Debt at Stranded Contract Costs na inihain ng PSALM at National Power Corporation (Napocor).

Nanawagan din ang grupo sa pamahalaan na alisin ang value-added tax (VAT) sa elektrisidad at pagbabalik sa mas simpleng Return on Rate Base (RORB) methodoloty na pinapayagan ang mga kompanya ng kuryente na mangolekta ng pinakamataas na 12 porsiyentong kita sa halip na kasalukuyang Performance-Base Rate (PBR) na pinapayagan silang kumita ng hihigit sa 20%.

Hiniling din ng FDC sa gobyerno na itigil ang pangongolketa at ibalik sa consumer ang additional basic generation charge na probisyunal na ibinigay ng ERC sa PSALM at Napocor noong 2009 – P0.4682 /kWh sa Luzon, P0.8376/kWh sa Visayas, at P0.7147/kWh sa Mindanao.

“Stop the indexation of or pegging the prices of natural gas and geothermal steam to the international prices of oil and coal, respectively. This indexation makes the prices of electricity generated using natural gas and geothermal steam become higher, not to mention becoming vulnerable to price fluctuations in the world market for oil and coal,” ayon sa FDC.

Ipinatitigil din ng grupo sa adminsitrasyon ang privatization ng natitirang ari-arian at kontrata ng Napocor.

“Among these assets are the Angat hydro-electric power plant in Norzagaray, Bulacan, the Unified Leyte Geothermal Plants in Eastern Visayas, and the Agus-Pulangi hydropower complex in Mindanao,” giit ng FDC.

Sinabi ni FDC President Ricardo Reyes na kasama ang grupo ng Sanlakas, Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD), Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) at Piglas Kababaihan sa kanilang noise barrage at piket sa Caloocan City, Batasang Pambansa, Quezon City, Malabon City, Tutuban sa Maynila at PNB Elliptical Road sa Quezon City.

Kabilang naman sa Power-Off areas sa Metro Manila ang  Pasig City, Quezon City, Caloocan City, Manila, Pasay, at sa Baguio City, Bulacan;  Tacloban, Leyte, Cebu City, Iloilo City, Bacolod City, Bukidnon, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Pagadian City, Zamboanga del Sur; Davao City at General Santos City.  Ernie Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply