Power supply sa Mindanao nasa red alert

INILAGAY na sa red alert ng National Grid Corporations of the Philippines (NGCP), ang kumpanyang nagpapatakbo ng mga transmission lines ng kuryente sa buong bansa, ang Minadanao, makaraang bumagsak ng halos 81 megawatts ang suplay ng kuryente, higit na mababa kumpara sa mandatory power supply reserve.

Ayon kay Atty. Cynthia Alabanza ng Corporate Communications and Public Affairs ng NGCP, ang biglaang pagbagsak ng suplay ay dahil sa pagtigil ng operasyon ng isang generating unit na diesel power plant sa Villanueva, Misamis Oriental na pag-aari ng STEAG State Power Incorporated.

Ayon kay Alabanza, isasagawa ang scheduled maintenance repair ng STEAG na kayang magsuplay ng 105 megawatts.

Kaugnay nito, maaasahan muli ang mga rotating brownouts sa ilang lugar sa Mindanao lalo’t nagdesisyon ang National Power Corporation (Napocor) na bawasan ang kuryenteng nanggagaling sa mga hydro-electric power plant upang mabalanse ang sapat na suplay ng tubig bilang paghahanda sa summer season.

Una nang nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa posibleng krisis sa suplay ng kuryente sa Mindanao dahil sa inaasahan nitong mamemeligro ang lagay ng tubig sa mga dam bunsod ng inaasahang panahon ng tagtuyot sa susunod na panahon.

Samantala, nababalot naman ngayon ng tensyon ang buong lalawigan ng Basilan matapos mamamataan ang ilang armadong grupo sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Lamitan.

Bukod pa rito, nagkaroon ng tensyon kaninang umaga sa Barangay Sta. Clara sa Lamitan matapos dumaan ang ilang armadong grupo.

Hindi naman nagdulot ang mga ito ng kaguluhan pero nabulabog ang mga residente sa lugar.

Sa ngayon, bumalik na sa normal ang sitwasyon sa nasabing barangay pero nag-deploy pa rin ng mga militar sa mga tensyonadong barangay sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply