Powerful sa Dos kaya nahaharang ni Vice ang TV guesting ng Wonder Gays!

SA TOTOO lang, nuknukan talaga ng kaplastikan, kasakiman at kasamaan itong si Vice Ganda. Dahil mega to the max ang pagtanggi at hinaharang ang dapat sana’y TV guesting ng Wonder Gays sa Showtime sa channel 2. Matagal na palang naka-sched sa show ni Vice Ganda (na mukhang kabayo|) pero hindi ito matuluy-tuloy dahil sa hinihintay rin ng mga taga-production ng Showtime particular na ang EP nito ang umano’y pagsang-ayon ng sakim na host.

Pero ang sabi, super deadma lang sa mga pakiusap sa kanya ng mga taga production side ng Showtime para i-guest ang kawawang talents ni Lito de Guzman.

Malakas raw talaga siguro si Vice Ganda sa Channel 2 kung kaya’t nahaharang nito ang mga alagang baklita ng kontrobersyal na talent manager.

Sobrang lumaki ang ulo at nagkahangin na talaga si Vice at nalunod na ito sa kanyang kasikatan at isang basong tubig. May konek daw kasi kay Kris Aquino kaya may kayabangan na sa ngayon si Vice? Bakit naman si Boy Abunda, sobrang close rin sa pamilyang Aquino lalung-lalo na kay Kristeta pero hindi naman nagbabago? At kahit may mga kaibigan pa si Lito de Guzman na kagaya rin niyang talent manager at siyang namagitan sa nasambit na guesting ng Wondergays sa Showtime at kay Vice, balewala rin pala ang mga ito.

Hindi po namin pini-personal si Vice kung kaya’t nakakanti namin ito. Ang sa amin lamang po, dear readers, humarap siya sa salamin at isipin kung saan siya nagsimula?

Naku, Vice, sikat ka nga ngayon pero baka isang araw ay laos ka na rin. Hay, naku! nood na lang tayo ngayong Oct 18, 2011 ng “May Nag Tweet… harharhar!” concert ng Wonder Gays sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City with guests Aaron Villena, Frank Garcia, Baron Geisler, Polo Ravales, Kris Lawrence and Mocha girls para mawala stress natin dito kay Vice Ganda.

***

Rating ng ‘Sa Ngalan Ng Ina’ ni Ate Guy sadsad!

TALAGANG ayaw tantanan ng mga detractor niya ang idol naming si Nora Aunor tungkol sa sobrang pagsadsad daw talaga ng ratings ng “Sa Ngalan Ng Ina” nito na ipinapalabas sa TV5. Kasalanan ba ni Mama Guy kung sobrang mababa ang ratings ng kanyang soap? Unang-una, mahina talaga ang signal ng TV5.

Naobserbahan namin ito noong nagpunta kami sa Obando, Bulacan kasama ang mga may-ari ng Whitebird entertainment bar na sina Boss Willie at Boss Nilo kaugnay ng pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating sinalanta ng delubyong baha sa Bulacan. Hindi raw nila napanonood ang Sa Ngalan Ng Ina dahil sa mahina raw talaga ang signal ng Kapatid network doon. Siguro pa kung nasa ABS-CBN Channel 2 or GMA-7 itong serye, baka umaalagwa pa ito sa ere. Kaya roon sa mga supporter ni Ate Guy, ngayon na ang pagkakataon ninyong suportahan ang ating idolo sa kanyang pagbabalik pelikula at telebisyon.

Kung gusto n’yo nama’y pumunta kayo sa gate ng TV5 at magdala ng placard o banner na nakikiusap na agahan nang konti ang teevee series ng ating idolo dahil sa kadalasa’y late na ito napapanood at kinakain ng show ni Willie Revillame ang oras ng soap ni Mama Guy.

Grabe! Sobrang excited na ang baguhang sexy actor na si Norris John dahil ilang tulugan na lang ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikula niyang “Batang Ifugao.” Sa pelikulang ito nagtodo-hubad ang sexy actor na may hawig kina Alfred Vargas at Aljur Abrenica. Sabi ni Norris, sobrang nadala raw siya sa love scenes nila ng ka-partner niyang sexy stars na sina Sofia Lee at Lorraine Lopez. Nang tanungin kung nakakita na ba siya ng mayamang bading at nagpatikim na ba siya? Umiling-iling lamang ang hubadero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply