Pre-emptive evacuation ikinasa na sa Central Visayas

IKINASA na ng Office of Civil Defense (OCD) ang pre-emptive evacuation para sa mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar at paanan ng bundok sa ilang bahagi ng Central Visayas dahil sa pinangangambahang pagtama ng bagyong Ramon.

Ayon kay OCD operating chief Niel Sanchez, mas makabubuti na maagang lumikas ang mga residente sa landslide at flood prone areas lalo na ang mga nasa malapit sa sapa upang maiwasan ang disgrasya.

Ayon sa opisyal, nakiki-usap sila sa mga residente na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng local government units sa kanilang lugar upang mailagay sa mas ligtas na lugar.

Nabatid na ilang lugar na ang naapektuhan ng bagyong Ramon gaya ng Bohol at ang lungsod ng Tudela sa Camotes Island na nakararanas na ng baha.

Patuloy namang naka-alerto ang Office of Civil Defense katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), LGUs, kapulisan at ibang rescue units sa iba’t ibang lugar sa Central Visayas para sa agarang aksyon.

Samantala, suspindido na ang klase sa elementarya sa lahat ng paaralan sa Northern Cebu na nasa signal number 1.

Inilagay na rin sa red alert status ang mga lungsod sa Northern Cebu dahil sa bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply