Pre-investigation ng DoJ dededmahin ni GMA

HINDI makadadalo sa isasagawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa Nobyembre 3 si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang inihayag ni Atty.Raul Lambino, legal spokesman ni Arroyo kung saan magpapadala nalang umano ng abogado na dadalo sa pagdinig.

“Hindi ko masasabi kung sino ang available lawyer to represent her on November 3,” ayon pa kay Lambino.

Sinabi pa ni Atty. Lambino na si Ginang Arroyo ay hindi naman kinakailangang humarap sa preliminary probe ng DOJ-Comelec panel dahil may mga abogado naman sila na sasagot sa anumang katanungan.

Dagdag pa ni Lambino na kahit pa matuloy ang dating Pangulo na magpagamot sa ibang bansa, naihanda na rin naman umano ang ilang dokumento upang makapagbigay ng kanyang panig laban sa mga alegasyon ng pandaraya sa eleksyon.

Noong Martes ay pinadalhan na ng dalawang subpoena si Arroyo sa kasong electoral sabotage at paglabag sa Election Code na inakusa ng joint panel ng DOJ at ng Commision on Elections (Comelec).

Kasama ring kinasuhan ang 40 pang iba ng election sabotage ni Sen. Koko Pimentel sa tanggapan ng DOJ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply