Presidente ng Keppel nag-sorry sa aksidente sa Subic

HUMINGI ng pang-unawa at nag-sorry na ang pangulo ng Keppel Subic Shipyard sa pamilya ng mga biktima ng aksidente nitong ika-7 ng Oktubre kung saan namatay ang anim na trabahador.

Ito ang sinabi ni Keppel President Mok Kim Whang sa kanyang pagharap sa Senate Committee on Labors at iginiit na aksidente lamang ang naganap.

Sinabi rin nito na kinukumpleto na ang imbestigasyon.

Tiniyak din ni Whang na sagot ng kompaya ang lahat ng pinansyal at suportang medikal sa mga namatay at nasugatan.

Kaugnay nito, tila nagsusumbong naman ang mga pulis na rumesponde sa aksidente sa mga senador dahil anila, 30 minuto umano silang naghintay sa labas ng shipyard bago pinapasok sa lugar ng aksidente.

Anila, pagpasok nila sa shipyard ay wala na ang mga bangkay ng mga namatay at malinaw na ginalaw na ang crime scene.

Samantala, noong 2006, apat na manggagawa rin ng Keppel ang binawian ng buhay nang maganap ang isang pagsabog sa loob ng shipyard nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply