Presyo ng bottled water kokontrolin

KINALAMPAG ni House Deputy Majority Leader Roman Romulo ang  Senado  sa  agarang  pagpasa  ng  panukalang batas para sa  awtomatikong   pagkokontrol  sa presyo ng  bottled  water  sa  panahon ng  kalamidad.

Tinukoy ni Romulo ang report  mula sa ilang  bayan  ng Bulacan at  Pampanga  na  may ilang  araw nang   binabaha na sinasamantala  ang pagtataas ng presyo ng  bottled drinking ng  mga tiwali.

Lumusot na sa House of  Representatives  kamakailan sa ikatlo  at  pinal na  pagbasa  ang  panukalang  idagdag  sa  listahan ng mga  pangunahing bilihin ang bottled  waters, noodles, prutas,  LPG at kerosene  na kabilang sa   Republic Act 7851, o  Price Act.

Ang House Bill 4081 na nasa Senado  ay  nakapending pa sa   Committee on Trade and Commerce.

Sa ilalim ng  Price Act, ang mga presyo ng  mga pangunahing bilihin  ay  hindi pwedeng  itaas  ang presyo sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Romulo, may  kaakibat itong 10 taon na pagkakulong  at  multang P1 milyon  ang  sinumang mahuhuling  mananamantala sa pagtataas ng presyo ng mga nasabing bilihin bahang  nasa gitna ng mga kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply