Presyo ng bulaklak sa Dangwa lumobo

LUMOBO na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa market sa Maynila, isang araw bago mag-Undas.

Umakyat ng hanggang mahigit 50 porsyento ang presyo ng bulaklak kagaya ng rose na mula sa dating P100 hanggang P120 ay umaabot na ngayon ng P350 hanggang P400.

Inaasahan namang bukas ng hapon ay unti-unti na ring babalik sa normal ang presyo ng bulaklak dahil kokonti na lang ang mga mamimili.

Nagpeprepara naman ang mga tinder sa pagdagsa ng mga mamimili hanggang mamayang gabi sa Dangwa para sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ngayong Undas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply