Presyo ng gulay dumoble

DUMOBLE ang presyo ng gulay na nagmumula sa Cordillera Administrative Region (CAR) bunsod ng pagkasira ng maraming taniman sa naturang rehiyon dulot ng paghagupit ng bagyong Pedring at Quiel.

Nabatid na mabibili na ang carrots sa presyong P40 hanggang P60 kada kilo na mabibili lamang kamakailan ng P25 kada kilo habang ang letsugas naman ay nasa P40 hanggang P50 kada kilo at ang repolyo ay nasa P60 hanggang P70 na kada kilo.

Umaabot sa kabuuang mahigit 700 ektarya ng gulayan ang napinsala sa Cordillera ng mga Bagyong Pedring at Quiel, partikular na sa Benguet.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply