Presyo ng gulay, isda nagtaas ng P15-P20

NAGBABALA ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mapagsamantalang mangangalakal kaugnay sa pina-iiral na batas kontra sa sobrang pagpapataw ng dagdaag na presyo ng mga pangunhing bilihin.

Ayon sa reklamo ng mga manininda sa palengke, hirap sa paglalayag at pag-angkat ng produkto mula sa Norte ang idinadahilan ng mga negosyante.

Batay sa ulat ng DTI, nahihirapan ang mga mangangalakal na umangkat ng paninda patungong Metro Manila kung kaya’t nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa gulay at isda.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, mula P15 hanggang P20 ang itinaas ng presyo sa mga nabanggit na produkto.

Dagdag pa rito, sapat naman aniya ang suplay ng mga processed foods na tatagal pa ng isa hanggang dalawang linggo.

Sa ngayon ay wala pa namang natatanggap na reklamo ang kanilang ahensya kaugnay sa mga nananamantalang mga negosyante.

Sinabi pa ni Maglaya na mino-monitor na nila ang presyo ng pangunahing bilihin at tiniyak na hindi na lalagpas sa naturang presyo ang mga isda at gulay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply