Presyo ng Noche Buena items binabantayan ng DTI

BINABANTAYAN ng ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng noche buena items na ilalabas sa merkado.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, ang hakbang ay matapos mangako ang manufacturers sa ahensya na hindi sila magtataas ng presyo ng mga bilihin simula ngayon hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Muli namang iginiit ng DTI na mananagot ang manufacturers sakaling mahuling magtataas sila ng presyo.

Ipinaalala rin nito na siguraduhin ang kaligtasan ng mga produkto lalo na’t papalapit na ang kapaskuhan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply