Presyo ng petrolyo sa Nueva Vizcaya bubusisiin

IPABUBUSISI ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang kasalukuyang presyo ng petrolyo sa Nueva Vizcaya upang malaman ang legalidad at tamang halaga nito.

Ayon kay Board Member Edgar Llowelyn Daniel, nakalulungkot malaman na nasa P2 hanggang P5.00 ang taas ng presyo ng gasolina sa lalawigan kumpara sa presyo nito sa San Jose City at Isabela province.

Ayon pa kay Daniel, sa kasalukuyan ay nasa mahigit na P52.00 ang presyo ng unleaded gasoline sa San Jose City habang nasa mahigit na P56.00 ang presyo nito sa lalawigan.

Sinabi ni Daniel na bubuo sila ng isang grupo upang magsaliksik at mag-imbestiga sa hindi umanong magkatugma na presyo ng petrolyo sa lalawigan kumpara sa ibang probinsiya.

Isa sa mga hakbang na gagawin ng investigative body ay ang mangalap ng mga imporamsyon mula sa Department of Energy (DOE) at sa mga oil companies upang mapag-aralan at malaman kung nasa tamang halaga ng pagsingil ang mga kumpanaya ng langis sa lalawigan.

Ito rin umano ay magsisilbing gabay nila upang makagawa sila ng isang panukalang makatutulong sa mga mamamayan.

Ito umano ay dapat pag-aralan at malaman ng mga mamamayan upang maalis ang agam-agam at pawang palaisipan sa mga taumbayan kung bakit mas mataas ang presyo ng petrolyo sa Nueva Vizcaya.

Layunin din ng imbestigasyon ang pagkakaroon ng sapat na paliwanag upang maintindihan ng mga mamamayan kung nasa legal at tamang hakbang ang mga ginagawang pagpataw ng presyo ng mga oil companies sa kanilang produkto sa lalawigan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply