Presyo ng petrolyo tataas na naman

HINDI pa man nag-iinit ang ipinatupad na rollback sa presyo ng produktong petrolyo kaninang umaga, may posibilidad na namang sumirit ang presyo nito bukas.

Inaasahang magtataas ang mga local oil companies ng P1 kada litro ng diesel at P0.50 kada litro ng kerosene at ang tinuturong dahilan ay ang panibagong paggalaw ng oil price sa world market.

Matatandaang kanina lang ay nag-rollback ang Pilipinas Shell Petroleum Corp., Total Philippines, Chevron Philippines, Petron Corp. at Seaoil Philippines sa presyo ng gasolina ng P0.90 kada litro at  P0.70 naman kada litro ng premium gasoline.

Hindi pa man todong napakikinabangan ang pagbulusok ng presyo ng petrolyo ng motorista ang nangyaring rollback kaninang umaga inaasahan naman ang panibagong dagok sa presyo ng produktong petrolyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply