Presyo ng processed food binabantayan ng DTI

MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga processed food.

Sa kasalukuyan wala pang pagbabago sa presyo ng mga produktong de lata sa mga grocery at ilang pamilihan.

Tiniyak ni Trade Undersecretary Zeny Maglaya, na pinaigting nila ang pagbabantay sa mga processed food matapos ang pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Maglaya na mahigpit na mino-monitor nila ang ilang isolated area gaya ng Ifugao na hindi pa madaanan matapos na salantain ng bagyo.

Iniingatan ng DTI na magkulang ang supply sa nabanggit na lugar dahil malaki ang tiyansa na magtaas ang presyo ng mga bilihin.

Samantala, sa Metro Manila, aminado si Maglaya na nagmahal ang presyo ng mga gulay na nangggaling sa Northern Luzon makaraang masalanta ng mga kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply