Presyo ng tinapay bababa na

INAASAHANG bubulusok na pababa ang presyo ng produktong tinapay sa mga darating na araw.

Ang price hike sa tinapay ay inihayag ni Trade Secretary Gregory Domingo bunsod ng pagbaba ng presyo ng harina sa world market.

Gayuman, hindi pa matiyak kung magkano ang ibababa ng presyo dahil patuloy pa rin ang pakikipag-usap nila sa flour millers.

Kaya naman, ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) ay para na rin mabigyan ng gabay ang mga konsyumer sa presyo ng kanilang binibiling produkto lalo na ang harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Kasabay ng anunsyong ito ay ang paglulunsad ng “Pinoy Pandesal” na proyekto ng DTI sa tulong ng Filipino-Chinese Bakers Association Incorporated (FCBAI), Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) at Philippine Federation of Bakers Association Incorporated (PFBAI).

Nagkakahalaga ng P25 ang isang pakete ng 10 piraso ng “Pinoy Pandesal” na hinaluan ng Vitamin-A at Iron.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply