Price freeze list inilabas na

INILABAS na ngayong araw ang listahan ng mga produktong kabilang sa prize freeze na resulta ng pananalasa ng dalawang magkasunod na bagyong Pedring at Quiel.

Idinepensa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ipinatutupad na price freeze sa mga lugar na sinalanta ng dalawang bagyo na kinabibilangan ng Marikina, Tuguegarao City, Amuling, Santiago City, Olongapo City, Obando, Calumpit, Meycauayan City, Nueva Ecija, Navotas, Malabon at Quirino.

Sa ilalim ng nasabing prize freeze ay hindi muna makapagtataas ng presyo ng ilang bilihin ang mga negosyante.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya na ibinase naman ng ahensya sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng mga produktong inilagay sa prize freeze kaya walang dapat na ipag-alala ang mga negosyante.

Ang mga produkto na kasama sa prize freeze ay ang sardinas, processed milk, kape, sabong panlaba, tinapay, asin at kandila.

Samantala, tanging agricultural products na lang ang hindi pa isinasama sa price freeze tulad ng bigas, mantika, gulay, baboy, manok at itlog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply