Price freeze pinagtibay ng DTI

BINIGYAN katwiran ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Pedring at Quiel.

Sinabi ni Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, na awtomatikong ipinatutupad ang price freeze tuwing magkakaroon ng kalamidad.

Dahil dito, magmumulta at makukulong ng isa hanggang limang taon ang mga negosyanteng nananamantala sa presyo ng pangunahing bilihin.

Ayon naman kay Olonggapo Mayor James Gordon, hindi na kailangang ipatupad ang price freeze sa kanilang lugar dahil wala naman nangyayaring punic buying.

Samantala, aminado naman si Bulacan Gov. Willy Alvarado na kailangan ang price freeze sa Bulacan dahil sa lawak ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Bunga nito mahaharap sa mabigat na parusa ang mga negosyanteng hindi susunod sa ipatutupad na price freeze ng DTI para sa basic commodities sa ilang lugar na pangunahing naapektuhan ng magkasunod na bagyo.

Ayon kay Maglaya, sinumang lalabag sa naturang kautusan ay maaaring pagmultahin ng P1 milyon o kaya ay makukulong ng isa hanggang limang taon.

Kung hoarding ang kaso at malaking volume ng produkto ang nasasangkot ay pagmumumultahin ng hanggang P2 milyon at makukulong ng lima hanggang 15 taon at walang piyansa.

Sakop ng price freeze ang 17 lugar na nasa ilalim ng state of calamity tulad ng: Amulong, Cagayan; Obando, Bulacan; Calumpit, Bulacan; Dinalupihan, Bataan; Noveleta, Cavite; Santiago City; Tuguegarao City; Meycauayan, Bulacan; Olongapo City; Tarlac; Malabon; Navotas; Marikina City; Quirino; Isabela; Nueva Ecija at Cavite.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply