Price hike sa kuryente binawi ng Meralco

BINAWI ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagtaas ng singil ng kuryente na mararanasan ngayong buwan.

Ito’y matapos payagan ng Energy Regulatory Commission ang pagbawas sa Maximum Average Price (MAP) mula sa P1.6464 sa P1.6012 na singil sa kuryente kada kilowatt hour.

Mababawasan ng P7.57 ang singil ng kuryente sa mga nakakakonsumo ng 50 kilowatts kada oras.

Ang mga gumagamit naman ng 70 kilowatts kada oras ay mababawasan ng P9.35, P12.02 sa 100 kilowatts  kada oras na konsumo at P20.92 naman sa 200 kilowatt kada oras ang konsumo.

Naunang naiulat na magpapatong ng mahigit P0.14 kada kilowatthour ang dagdag singil sa generation charge ng Meralco.

Una ring ipinahayag ng Meralco na nagmahal umano ang presyo ng nabili nilang kuryente mula sa mga planta at spot market sanhi na rin ng apat na araw na pagkakasara ng Malampaya power plant. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply