Price hike sa produktong petrolyo ipinatupad ngayon

SUMIRIT na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo bunsod umano ng pagtaas ng halaga ng langis sa world market.

Epektibo kaninang alas 12:01 ng madaling-araw, naunang nagtaas ang Pilipinas Shell ng P1.40 sa kada litro ng gasoline; P0.55 sa kada litro ng diesel; at P0.70 naman sa bawat litro ng kerosene.

Nagtaas din ng kaparehong halaga ang Petron at Eastern Petroleum kaninang alas-6:00 ng umaga.

Alas 6:00 din ng umaga nagtaas ang SeaOil ng P0.55 sa kada litro ng Diesel; P0.70 sa kada litro ng kerosene; P1.00 sa bawat litro ng kanilang regular gasoline; at P1.40 naman sa bawat litro ng kanilang premium at unleaded gasoline.

Ang Total naman ay nagtaas ng P1.40 sa kada litro ng kanilang Protec, Premier, at Unleaded Gasoline; P1.00 sa bawat litro ng regular gasoline; at P0.55 din ang itinaas sa bawat litro ng kanilang diesel kaninang alas-6:00 ng umaga. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply