Price list ipapaskil sa 17 lugar na may price freeze

IPAPASKIL sa Sabado (Oktubre 8) ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price list ng mga bilihin sa 17 lugar na nasa ilalim ng state of calamity at may ipinatutupad na price freeze.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya ito ay upang masiguro na walang lalabag sa price freeze.

Nanawagan si Maglaya sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga lalabag sa price freeze upang maparusahan ang mga ito.

Sa ilalaim ng price freeze mananatili ang presyo ng mga bilihin noong bago manalasa ang bagyong Pedring at Quiel at hindi ito maaaring itaas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply