Problema pa rin ang mga nawawalang libingan

IPINAGDIRIWANG natin ang UNDAS o araw ng mga patay at katulad ng dati ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang naghahanap ng libingan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Taon taon na lang sa tuwing sasapit ang Nobyembre 1 ay marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng libingan ng kanilang mga mahal sa buhay lalo na ang mga nasa Metro Manila.

Ang Manila North Cemetery na sinasabing pinakamalaking libingan sa buong bansa ay parating nagiging  problema ang paghahanap ng mga nawawalang bangkay at libingan.

Isa sa mga kadahilanan dito ay ang tamang communication sa pagitan ng pamilya ng mga nakalibing at ng  mga namamahala ng sementeryo.

Napag-alaman na karamihan sa mga nakalibing sa mga pampublikong sementeryo ay umuupa lang ng 5 taon sa lupang pinaglibingan o kaya ay doon sa tinatawag nilang apartment.

Ang limang taong kontrata ay mahigpit na pinatutupad ng mga  namamahala  ng sementeryo kung saan bago sumapit ang expiry date na  5 taon ay pinadadalhan na nila ng notice ang pamilya ng  nakalibing  na  nagpapaalala na malapit na ang expiry date nito.

Ang problema rito ay binabalewala ng pamilya ng nakalibing ang notice na ipinadala sa kanila kaya ang ginagawa ng mga namamahala ng sementeryo ay inaalis nila ang mga buto ng nakalibing at inilalagay sa isang sako at saka nilalagyan ng pangalan.

At dito na nagsisimula ang problema sa hanapan ng mga libingan at nakalibing.

Dahil dito ay nagiging magulo ang entrance ng mga sementeryo dahil sa dami ng mga naghahanap ng bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay.

At para maiwasan ang ganitong problema, ang dapat sigurong gawin ng pamilya ng mga nakalibing ay tandaan ang petsa ng expiry date ng kanilang pi-nirmahang limang taong kontrata sa sementeryo para huwag mawala ang mga buto ng kanilang mga mahal sa buhay.

O paano?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply