Ulo pinasabog ng problemadong empleyado

PATAY ang isang empleyado makaraang magbaril sa sarili sa loob ng isang hotel matapos hindi makayanan ang problemang dinadala sa Quezon City  kagabi, Lunes, Oktubre 10.

Kinilala ang biktima na si Luis Christopher Alvarado, 26, ng Don Antonio Heights, Bgy. Holy Spirit, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 8:10 kagabi sa loob ng Sogo Hotel sa 1050 Roces Avenue, Bgy. Pinagkaisahan, QC.

Nabatid pa sa ulat na natagpuan ang bangkay ng biktima sa ibabaw ng kama sa loob ng hotel room 708 na may tama ng bala ng kalibre .38 na baril sa kanyang sentido.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima matapos sapilitang buksan ang pintuan ng kuwarto nito matapos hindi sumasagot sa ilang tawag dahil nakatakda na siyang mag-check out.

Hinihinala ng pulisya na problemang personal ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima habang iniimbestigahan pa ang naturang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply