Produksyon ng asukal palalakasin sa Batangas

LALO pang palalakasin ng lokal na pamahalaan ng Batangas ang produksyon ng asukal sa bansa.

Layunin ng Batangas at mga magsasaka ng tubo na manguna ang kanilang lalawigan sa produksyon ng asukal sa bansa.

Sa isinagawang 37th Founding Anniversary at Annual General Assembly ng Batangas Integrated Sugar Planters Multi-Purpose Cooperative (BISP-MPC) sinuportahan ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang layunin ng mga sugar planters sa pamamagitan ng makabagong sistema ng pagsasaka ng tubo.

Sinabi ni Ms.Santos na masusing pinag-aaralan ng isang komiti sa ilalim ng kanyang pamunuan ang ilang resolusyon at kahilingan ng samahan ukol mga ordinansa sa lalawigan na ipinatutupad partikular sa transportasyon ng mga produkto.

Ilan sa nabanggit ang kaunting kaluwagan para sa ordinansa na naglilimita sa timbang ng mga  kagamento partikular sa tubo at pagbibigay laya sa oras ng transportasyon ng kanilang kargamento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply