Produksyon ng karne popondohan ng P1 bilyon

MAGLALAAN ang pamahalaan ng P1 bilyon upang palakasin ang National Livestock Program para sa mas malaking produksyon ng karne ng baboy at manok.

Ang halaga ay P318M o 47% na mas malaki sa P682-million allocation ngayon taon para sa programa na nakapaloob sa panukalang General Appropriations Act for 2012, ani Rep. Arnel Ty, (LPG Marketers’ Association sectoral party o LPG-MA).

Ayon sa mambabatas, kalahati ng pondo ay ilalaan sa production support at post-harvest facilities and equipment, tulad ng biogas digesters, dairy processing plants, cold storage, at abattoirs.

“We expect these critical inputs to help lessen post-production losses, and improve the quality and safety of meat and poultry products in our palengke and supermarkets,” ani Ty.

Tinatayang makakapag-produce ang livestock at poultry sectors ng 2.0 million metric tons ng baboy at 1.5 million metric tons ng manok sa susunod na taon.

Kabilang na rin sa sektor ang kalabaw, baka, kambing,  dairy, itik at chicken at duck eggs.

“Strong livestock and poultry production at all times is the best way for us to keep food prices, including those of processed meat, within reach of ordinary consumers,” diin nito.

Madalas na binibili ng publiko ang processed meat dahil sa madali itong iprepara at lutuin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply