Programa para sa typhoon victims pinaplantsa ng DSWD

PINAG-AARALAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng short-term at long-term programs para sa mga biktima ng bagyong Pedring at Quiel.

Sinabi ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman, kabilang sa ipatutupad na proyekto ng pamahalaan ay ang socio-economic, infrastructure, reconstruction at restoration components.

Habang wala pa ito, ang national government ay magpapatuloy sa pagkakaloob ng relief assistance hangga’t hindi pa nakababalik sa kanilang mga komunidad ang mga biktima ng dalawang bagyo.

Tiniyak din ng DSWD na pagkakalooban ng pamahalaan ng shelter assistance ang mga pamilyang nawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa kalamidad. Ito ay sa ilalim ng Core Shelter Assistance Program at livelihood opportunities sa ilalim ng Self-Employment Assistance Kaunlaran program at Cash-for-Work at training program.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply