Proseso sa ipinadadalang parcels pabibilisin — PhilPost

SINABI ngayon ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) na kanilang pagbubutihin ang sistema para mapabilis pa ang proseso ng ipinadalang parcels sa bansa.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, napag-usapan na nila ni dating Bulacan governor at ngayon ay bagong PhilPost General Josie dela Cruz ang pagpapabilis at pagpapaigting ng seguridad sa paghahatid ng parcels o packages sa mga kamag-anak ng overseas Filipino workers (OFW) sa bansa.

Sinabi pa ng komisyuner, mayroon ng nakalaang malaking lugar sa Bureau of Posts building na maaaring paglalagyan ng packages at marami na ring CCTV camera ang opisina upang masigurong hindi mabuburiki ang padala ng mga kababayang OFW.

Tiniyak rin ni Biazon na sa loob ng lamang ng 24-oras hanggang 48-oras ay maaabisuhan na ang mga recipent ang pagdating ng kanilang packages.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply