Protesta ni FPJ vs GMA oks nang silipin– SC

PUMAYAG na ang Korte Suprema, bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na magkaroon ng access ang Commission on Elections (Comelec) sa mga dokumento ng protesta ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. (FPJ) laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo ukol sa umano’y dayaan noong 2004 presidential elections.

Ito ay kahit na nadismis na ang nabanggit na election protest ni Poe.

Una nang hiniling ni Comelec Chairman Sixto Brilliantes Jr., sa PET na makakuha ng nasabing dokumento.

Naniniwala si Brillantes, abugado rin ni Poe, na malaki ang maitutulong ng naturang dokumento sa paglutas ng election fraud, na magpapatunay na si Poe ang nanalo laban kay Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply