Public hearing sa hirit na fare hike itatakda

NAKATAKDANG magsasagawa ng serye ng pagdinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa hininging dagdag singil sa pasahe ng mga bus operators ng Southern Luzon.

Nauna nang pinakiusapan ng Malakanyang ang mga bus operators mula sa Southern Luzon na huwag munang madaliin ang kanilang hinihiling na halagang P4 dagdag sa pamasahe dahilan  sa 12-percent value-added tax (VAT) sa tollways.

Dagdag pa rito na kailangang idepensa ng mga operators  sa gagawing hearing ng LTFRB kung talagang kinakailangan ang karagdagang  singil sa pasahe dahil ang ipinatutupad ngayong VAT sa tollways ay 12 % lamang na naging epektibo simula ng Oktubre 1.

Dapat patunayan aniya ng mga operators kung bakit kinakailangan nilang humingi ng dagdag pasahe kahit magkano.

Nauna rito, nakatakdang maghahain ng petisyon sa LTFRB ang South Luzon Bus Operators Association (SOLUBOA) ng halagang P4 pesos na fare hike.

Sinuportahan din ng transport group, na 1-UTAK, ang hakbang ng mga nasabing operators. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply