Publiko binalaan sa ‘modus’ ng pekeng PDEA agents

BINALAAN ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko ukol sa mga indibidwal na nagpapanggap na anti-narcotics agents upang makapangholdap.

Ipinalabas ang babala ni PDEA director general Jose Gutierrez Jr. matapos na magpanggap ang limang hindi nakikilalang kalalakihan na miyembro ng PDEA at hinoldap ang dalawang manager ng kilalang pawnshop sa Mactan Cebu International Airport nitong Miyerkules (Oktubre 5).

Ayon kay Gutierrez, naaalarma na ang ahensya dahil ito na ang ikatlong insidente sa Cebu at ang modus operandi ng mga suspek ay magkakapareho lamang.

Ang PDEA aniya ay may sinusunod na standard operating procedures (SOP) sa pagsasagawa ng lehitimong search operations and check-points.

Bukod pa roon, ang kanilang operasyon ay palaging may koordinasyon sa lokal na pulisya bago magkasa ng search operations at armado rin ng search warrants na inisyu ng korte, dagdag pa ni Gutierrez.

“We shall not allow unscrupulous individuals to discredit PDEA. We are now coordinating closely with the Philippine National Police concerning this matter,” babala pa ni Gutierrez.

Hinikayat naman nito ang publiko na i-report agad sa ahensya kung may kahalintulad na insidente na ang sangkot ay kahina-hinalang indibidwal na nagpapakilalang mga PDEA agent.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply