Publiko pinag-iingat sa sakit mula sa mga hayop

MULING pinag-iingat ang taumbayan sa posibleng “pagsiklab” ng sakit mula sa mga hayop gaya ng foot and mouth disease, brucellosis, pasterellosis, smallpox, rabies at iba pang uri ng sakit na magbibigay ng negatibong epekto sa ekonomiya at sa kalusugan ng mamamayan.

Kasabay nito, ang kahilingan sa House Bill No. 5372 na inihain ni Rep. Rafael Mariano (Party-list, Anakpawis) na obligasyon local government unit, lalo na sa mga lalawigan na magtalaga ng veterinary officer para mapigilan at matugunan ang problema ng pagkalat ng nakatatakot na sakit.

Sa pag-aaral ng Bureau of Agricultural Statistics, sinabi ni Mariano na ang taunang produksyon ng kalabaw noong 2001 hanggang 2010 ay umabot ng 135.82 thousand metric tons habang ang baka naman ay umabot ng 249.41 thousand metric tons.

Sa paherong taon, umabot ang produksyon ng baboy sa 1,782.04 thousand metric tons, kambing 75.05 thousand metric tons, manok 1,226.17 thousand metric tons at bibe 46.07 thousand metric tons.

Sa pagdami ng bilang ng mga hayop ay maaaring pagmulan ang mga ito ng sakit. Lalo na kung ang mga hayop ay magkakasakit at pinangangambahan na makahawa ng tao.

“Malaking epekto ito sa kalusugan ng tao kapag dinapuan ng sakit ang mga kinakaing hayop. Para maiwasan ang mga ito, dapat magtalaga ng veterinary service na makakatulong sa publiko ng wastong pag-aalaga ng hayop,” sabi ni Mariano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply