Pugante sa Misamis Oriental jail nasakote

NASAKOTE na ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Custodial force ng Misamis Oriental provincial jail ang isa sa apat na bilanggo na nakatakas sa nasabing kulungan.

Kinilala ang naarestong preso na si Jeffrey Jandayan na may kasong robbery with rape matapos ang mahigit dalawang linggong pagtatago sa batas.

Tumakas sa kulungan si Jandayan noong Setyembre 20 dakong alas-2:00 ng madaling araw kasama ng limang iba pa pero agad na naaresto ang dalawa sa mga ito.

Nabatid na binutas ng mga bilanggo ang kisame ng kulungan at doon dumaan palabas.

Una nang nahuli ang dalawa nilang kasamahan na nakilalang sina Roberto Monterola na may kasong frustrated homicide at Rey Boy Tamaranos na may kasong theft.

Patuloy na pinaghahanap sina Richard Tabora na may kasong carnapping with threat, Johnny Bataluna na may kasong murder at Emmanuel Saguinlao na may kaso ring murder at umano’y miyembro ng sparrow unit ng rebeldeng New People’s Army. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply