Pulis-Antipolo makukupad sa pagresponde

AYYY naku po. Bakit ba  may mga otoridad tayo sa hanay ng Philippine National Police, partikular na sa Antipolo Police, na sobrang  makupad kung magresponde sa mga krimen?

Kung kailan kailangan  ng mga taga-Antipolo ang tulong ng kapulisan para respondehan ang isang kaguluhan ay namumuti na ang mga mata  nila sa kahihintay bago dumating ang mga ito.

Dinarayo pa naman ang Antipolo dahil sa pamosong simbahan nito na kinagigiliwang puntahan ng mga bakasyunista. Pero ang payo natin sa mga bakasyunita ay  mag-iingat na lamang sila dahil kapag nagkaproblema sila sa nasabing lungsod, tiyak na mamumuti ang mga mata nila sa kahihintay  sa responde ng mga makukupad na pulis ng Antipolo.

Sobra yatang mabibigat ang mga ‘yagbols’ ng mga pulis dito kaya hindi agad-agad na makapagresponde.

Maging ang tanggapan ng POSD sa ilalim pa naman ng pamamahala ni Mayor Nilo Leyble ay mabagal ding umaksyon. Kailangan pa yata muna ng ‘padulas’ bago magsiaksyon ang mga ito.

Halos maghihintay ka ng  45 mins o 1 hour bago dumating ang mga ito.

Kaya nga hindi na nakapagtataka na madalas na matakasan ng mga holdaper ang mga pulis diyan.

Alam ba ninyo na madalas ang holdapan sa lungsod na ‘yan dahil yung mga pulis na inaasahan
ng  mga tao ay nagtatago sa kanilang malalamig na mga opisina.

SEX TRADE SA TABI NG SIMBAHAN

Muli nating pahapyaw na silipin ang Lido de Parish KTV sa Ongpin, Manila sa walang ‘sawang’ ginagawang pagbebenta ng mga aliw ng mga babaeng nagtatrabaho rito.

Grabe ang sex trade sa KTV na ‘yan dahil parang kendi lang na ibinebenta ang mga “bilat” ng mga babae.

Ang balita nga natin ay mga pulis ang ‘patong’ sa KTV na yan.

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply