Pulis binaril habang naniningil ng pautang

TODAS ang isang pulis matapos itong barilin ng isang ‘di nakilalang salarin habang naniningil ng kanyang pautang sa 5-6 kagabi (Oktubre 8) sa Juan Luna, Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si PO3 Ernesto de la Cruz, nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 5.

Tumakas naman ang ‘di nakilalang salarin matapos ang insidente.

Nabatid na naganap ang pamamaril dakong alas-9:00 ng gabi sa ibaba ng KP Tower sa Juan Luna, Binondo, Maynila habang ahg biktima ay nakatalikod at naniningil ng kanyang pautang.

Sa impormasyong nakalap, may dala umanong clutch bag ang biktima at naglalaman ito ng halagang P.5M kung saan ang iba nito ay naipautang na sa mga vendor sa Divisoria.

Hindi naman tinangay ng suspek ang service firearm kundi ang clutch bag lamang nito na naglalaman ng nasabing halaga.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Justice Jose Abad Santos Medical Center pero idineklarang dead on arrival ng mga doctor sanhi ng tinamong tama ng bala sa batok.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang MPD-Homicide Section upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply