Pulis inutas sa Ilocos Norte

NAMATAY noon din ang isang pulis makaraang barilin ng isang ‘di pa kilalang salarin kaninang madaling araw sa Laoag, Ilocos Norte.

Batay sa nakalap na impormasyon, ang biktima na kinilalang si SPO1 Edwin Aquino, nakatalaga sa Philippine National Police (PNP) Traffic Division, ay nasa loob mismo ng binabantayang tanggapan sa Public Safety Office.

Dumating umano ang suspek na armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril at pinaputukan ang pulis na tinamaan umano sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Makaraan ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek sa ‘di pa batid na direksyon dala ang baril na ginamit sa pamamaril.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng Laog City Police ang naganap na insidente at pinaghahanap na ang suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply