Pulis patay sa riding-in-tandem sa Laguna

NAPATAY ng hinihinalang riding-in-tandem ang isang pulis makaraang pagbabarilin kaninang umaga sa San Pedro Laguna.

Namatay doon din ang biktima na kinilalang si SPO2 Oscar Mariscote, nakatalaga sa Manila Police District, bunga ng tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng umaga sa Saint Joseph 9 Village, Barangay Langgam, San Pedro, Laguna.

Nabatid na bibili sa kalapit na tindahan ang biktima, may 50 metro ang layo sa kanilang bahay, nang dumating isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.

Haban kausap ng pulis ang kaibigan na si Eddie Bande, pinaputukan ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Tinangka ng mga pulis na habulin ang mga suspek ngunit nagawa ng mga itong makatakas at iniwanan ang sinasakyang motorsiklo.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulis para madakip ang mga suspek at malaman kung ano ang motibo sa pamamaslang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply