Pulis tigok sa operasyon sa Cavite

NAMATAY ang  isang pulis matapos bugbugin at pagbabarilin sa isinagawang surveillance operation sa Bacoor, Cavite.

Dead on arrival sa ospital si PO1 Peter Enriquez matapos tamaan ng bala sa ulo at mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa paunang imbestigasyon, naglalakad sa Barangay Niyog ang biktima nang biglang lusubin ng  apat na suspek at inagaw ang kanyang baril na siya ring ginamit sa pamamaril sa kanya.

Tukoy na ng pulisya ang mga suspek ngunit tumanggi silang magbigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply