Pulis vs. NPA: 2 pulis sugatan

DALAWANG pulis ang nasugatan nang makasagupa nila ang isang grupo ng New People’s Army sa Surigao Del Norte.

Nangyari ang bakbakan gabi ng Biyernes, Oktubre 14, sa Upper Sangay sa bayan ng Sison, Surigao Del Norte habang nagpapatrolya ang 13th Regional Public Safety Battalion ayon kay PNP spokesman Agrimero Cruz.

Dagdag pa niya, marami ring nasugatan sa kampo ng mga rebelde dahil sa rami ng dugo na nagkalat sa lugar na pinangyarihan.

Nagpadala naman ng tatlong reinforcement unit ang pulis at militar para tugisin ang mga rebelde.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply