Kawalan ng pork dahil sa pamumulitika

PULITIKA ang dahilan ng patuloy na pagkabimbin ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng apat na miyembro ng oposisyon.

Ito ang ipinahayag ni Negros Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo matapos ihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na inihahanda na ang ikalawang bugso ng pork barrel ng mga kongresista subalit apat pang miyembro ng oposisyon ang indi pa nabibiyayaan.

Bukod kay Iggy Arroyo, wala pa ring pork barrel o kalahati ng P70 milyong taunang PDAF ng mga kongresista sina Zambales Rep. Mitos Magsaysay, Ang

Galing Pinoy partylist Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo.

Naniniwala si Iggy na nais ng pamahalaang Aquino na manikluhod ang oposisyon at sumuko kaya hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanilang pork na aniya’y bumabalikat ng epekto ng kanilang constituents.

Naunang inialok ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang PDAF ng tig-P1 milyon sa miyembro ng oposisyon na wala pang pork barrel.

Sa panig naman ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez, sinabi niyang imposibleng hindi tama ang request na isinumite ng apat na minorya dahil silang lahat ng halos “stereotype” ang paraan ng kanilang listahan na isinumite sa Department of Budget and Management (DBM).

Halos lahat aniya ng mga kongresista ay nakalaan ang pork barrel sa mga scholars, imprastratura at ospital sa kani-kanilang distrito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply