Pumuga na American-Indonesian hinahanap pa rin

PATULOY na nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad para sa isang American-Indonesian national na tumakas sa detention cell sa regional office ng Bureau of Immigration nitong Lunes (Oktubre 17) sa Davao City.

Samantala humingi na ng tulong ang tauah ng BI sa security forces ng lungsod para agad na maaresto ang pugante na si Tigor Hasaganan Sianapar na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property at illegal possession of firearms.

Ayon kay Davao City Police Office chief Rene O. Aspera, inatasan na niya ang kanyang mga personnel na magpalabas ng larawan ni Sianapar sa buong lugar para kilalanin at maituro ang pinagtataguan nito.

Sa kasalukuyan nagsasagawa na rin ang Task Force Davao ng malawakang checkpoints sa buong lungsod kasama na ang mga terminals, seaport at airport upang hindi makalabas ng bansa ang tumakas na dayuhan.

Malaki ang paniniwala ni Aspera na si  Sianapar ay hindi pa nakalalabas ng Davao region na hinihinalang nakapagtago sa Cagayan de Oro City batay na rin sa kanilang natanggap ng intelligence reports dahil marami itong kaibigan sa naturang lungsod.

Ayon kay Aspera, si Sianapar ay nakatakda nang i-deport pabalik sa kanilang bansa may tatlong buwan na ang nakararaan dahil sa mga nakabinbing kasong kinakaharap sa Davao City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply