Kapitana binaril sa La Union; suspek kinuyog tiklo

NASA kritikal na kondisyon ang babaing Punong Barangay ng bayan ng Bacnotan, La Union makaraang barilin nang tatlong beses.

Ang biktima ang kinilalang si Thelma Bucalbos, 50 at Kapitana sa Barangay Callautit sa naturang bayan habang hindi nagawang makatakas ng suspek na si Rolan Atinimbro, residente ng Vigan, Ilocos Sur, makaraang pagtulungang bugbugin ng taong bayan bago pa man madala ito ng mga pulis sa kanilang himpilan.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, nanonood umano si Bucalbos ng larong basketball kasama ang mga kabarangay nito sa municipal plaza ng Bacnotan nang lapitan ng suspek at pagbabarilin ito gamit ang isang kalibre .45.

Mariing itinanggi ni Atinimbro na siya ang bumaril sa kapitana at idinahilan nito na ipinasa lang umano sa kanya ang nakuhang baril sa kanya ng totoong salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply