PUP nagdeklara ng ‘black and white Friday’

NAGDEKLARA ngayong araw ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) community ng “black and white Friday.”

Lahat ng mga empleyado, opisyal, estudyante ng naturang unibersidad ay hinihimok na magsuot ng kulay itim at puting damit bilang pagluluksa sa pagkamatay ng kanilang vice president for administration na si Atty. Augustus Cesar.

Sinisimbolo ng kulay puti ang katotohanan habang ang pagsusuot ng itim ay bilang pagkondena sa ginawang pamamaslang sa opisyal.

Bahagi  rin ng kanilang panawagan ang pagkamit ng katarungan sa kanilang VP sa lalong madaling panahon.

Ang mga labi ni Atty. Cesar ay kasalukuyang nakalagak sa Interfaith Church ng PUP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply