QC nakaalerto sa ‘botcha’ mula sa mga binahang lugar

NAKAALERTO ngayon ang health department ng Quezon City laban sa mga “botcha” o double dead na karne na mula sa mga binahang lugar sa Central Luzon na sinalanta ng bagyong  Pedring” (Nesat) at “Quiel” (Nalgae).

Nagpakalat ng kanyang mga tauhan ang Quezon City health office para tutukan at bantayan ang mga palengke sa lungsod na maaaring paglusutan ng mapanganib na karne galing sa mga binahang lugar.

Ilan sa tututukan ng grupo ay ang mga paparating na karne na partikular na manggagaling sa Bulacan kung saan sinasabing nangamatay sa baha ang mga alagang manok at baboy sa lugar.

Ilan sa mga palengke sa Balintawak ang babantayan ng team kung saan karamihan sa mga nagtitinda ang nahuli na nagbebenta ng double dead na karne kamakailan.

Matatandaan na nalubog sa mataas na baha ang ilang bahagi ng Central Luzon na kinabibilangan ng Bulacan, Tarlac at Pampanga dahil sa magkasunod na bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply