Querubin ayaw sa ‘all out war’

PABOR si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Colonel Ariel Querubin na  isulong ang peace negotiation sa Mindanao sa halip na ipatupad ng pamahalaan ang “all out war” laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Querubin, dapat munang isipin at tignan ang mga inosenteng madadamay sa gagawing giyera dahil marami ang masasayang na buhay kapag ipinatupad ang “all out war” gayong hindi naman lahat ng lugar sa Mindanao ay kailangang bombahin.

Mas mabuti pa rin aniyang ipatupad ang amnestiya para sa mga rebelde dahil ang lahat umano na nangyayari sa Minadano ngayon ay dahil sa paniniwalang politikal.

Kaugnany nito, nagpahayag naman si House deputy speaker at Quezon Rep. Erin Tanada ng pangamba na lalong magresulta ng kaguluhan at mawala sa control ng military ang sitwasyon sa Mindanao kapag itinuloy ang “all out war.”

Dapat na lang aniyang umupo at pag-usapan ang problema kung bakit patuloy ang paghahasik ng kaguluhan sa Mindanao.

Sinabi pa ni Querubin sa isang forum na hindi kahirapan o injustice ang ugat ng kaguluhan sa Mindanao. Dapat lang aniya na magpakita ang pamahalaan ng mahusay na pamamalakad sa gobyerno.

Dagdag pa ni Tanada na dapat na maging sinsero  ang MILF sa kanilang pakikipagnegosasyon  sa pamahalaan at tingnan din  ang posiyon ng pamahalaan para sa pangkalahatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply