Radio commentator utas sa ambus sa Surigao del Sur

INAMBUS ng kilabot na motorcycle-in tandem ang isang radio commentator habang lulan sa kanyang motorsiklo sa Surigao del Sur, ayon sa ulat ng pulisya kaninang umaga.

Namatay habang giagamot sa Lianga District Hospital (LDH) sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Datu Roy Quijada Gallego.

Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nagkasa ng pagpatay sa biktima pero may hinalang may kinalaman ang krimen sa pagbibigay ng suporta nito sa minahan sa lugar.

Sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang insidente dakong alas-5:15 nitong Biyernes ng gabi (Oktubre 15) sa isang bisinidad ng national highway sa Sitio Mamprasanon, Barangay Banahaw sa Lianga town.

Ayon sa Caraga Police Regional Information Office, bago ang insidente ay lulan ang biktima sa kanyang motorsiklong Rusi brand at binabaybay ang naturang national highway.

Lingid sa biktima, binubuntutan na pala siya ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo hanggang sa dumating sila sa national highway na pinagpatayan sa biktima.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng nasabing baril, bag, mobile phone at motorcycle ng biktima.

Humihingi naman ng katarungan ang pamilya ni Gallego na isa ring Manobo tribal leader at presidente ng Bayanihan Council of Datus (BACODA) Caraga Region. Dati rin siyang isang radio commentarist sa isang public affairs programs, sa Butuan City’s AM radio station na DXJM at FM station DXSF sa San Francisco, Agusan del Sur.

Hinala naman ng misis ng biktima na si Elisa na ang pagpatay sa kanyang mister at may kinalaman sa pagsuporta nito laban sa operasyon ng minahan at sa hindi pagtanggap sa mga lumad ng gobyerno partikualr ang National Commission on Indigenous People (NCIP).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply