Radio program ng ex-lover na sina Francine Prieto, Bobby Yan tinigbak

NAUWI na rin pala sa pagkatigbak ang programa sa DZMM Teleradyo na nasa graveyard shift ng dating magka-relasyong Francine Prieto at Bobby Yan. Masyado na raw kasing binibigyan ng sakit nang ulo at problema ng dalawa ang management ng DZMM. Madalas raw ang ginagawang pag-absent ni Francine sa show nila ni Bobby dahil hurting nga ito at ayaw na siyang balikan pa ng nasabing co-host/boyfriend.

So, dahil, sa ayaw na niya itong makita at makasama ay hindi na nga nagpapakita pa ang dating sexy star sa kanilang programa. At minsan nang sumipot naman daw ito ay talakan to the max naman ang nangyari sa kanila ni Bobby kung saan lumilikha talaga sila ng eskandalo sa naturang istasyon. Aba’y kung trulala ito ay hindi na nga magandang ipagpatuloy pa ang radio program ng mga ito sa nangunguna pa namang radio station sa Pilipinas.

Another thing, bilang councilor sa San Juan ay hindi maganda sa image ni Bobby ang sigalot na namamagitan sa pagitan nila ni Francine, it’s best na ikansela na lang ang serbisyo nila sa DZMM Teleradyo tutal may career pa naman si Francine sa TV at si Bobby may mga offer rin naman. Kalukis-lukis gyud!

****

Bagong alaga ni Claire na si Jensen Kyra Tenoso may big future sa showbiz

MAY “mata” talaga si Ms. Claire dela Fuente sa mga newcomer kung saan napasisikat niya ang mga ito. Like Bela Padilla and Sam Pinto na oo nga’t may career na rin nang makilala o ma-discover sila ng mahusay na singer, pero lalong bomongga ang kanilang karera since i-handle sila ng nasabing famous diva/talent manager/enterpreneur. At dahil pareho ng stable sa showbiz sina Bela at Sam, para makatulong pa sa mga baguhan ay patuloy ang pag-discover ni Ms. Claire ng mga baguhang talento at nariyan na nga sina Meg Imperial, Maffi Soler, Yam Concepcion at ngayon ay may bagong talent na naman siya na isa sa mga ipinagmamalaking finalists sa “The Protege” kung saan isa siya sa mentors ng Reality Talent Search na ito sa GMA-7.

We are reffering to Jensen Kyra Tenoso na hindi lang talented as singer kundi pasado rin bilang aktres. Kaya hayun, pinapirma na kaagad siya ni Ms. Claire ng contract kung saan ngayon pa lang ay maraming plano na kaagad ang sikat na diva.

Nang mapanood namin ang isa sa performance ni Jensen sa The Protege ay talagang pinahanga nito ang dalawa sa judges ng show na sina Tito Joey de Leon at Direk Bert de Leon kaya parehong nakakuha ng maganda at positibong komento ang may potential na up-coming Diva (Jensen). Say pa ni direk Bert, na kay Jensen na ang tinatawag na “total package” ng isang artist. “Amazing,” ‘yan naman ang binitiwang comment ni Tito Joey para sa talent na ito ni Ms. Claire na para sa amin ay “star material” talaga. In person marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ni Jensen sa mahusay na actress na si Dawn Zalueta. Panalo, gyud!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply